Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 15 pang Pilipino sa ibayong dagat ang dinapuan ng COVID-19.
Dahil dito pumalo na sa 18,237 ang mga Pinoy-abroad na nagpositibo sa virus.
Sa ngayon nasa 5,921 na mga Pilipino sa ibang bansa ang patuloy na nilalapatan ng lunas matapos mahawaan ng COVID-19.
Nadagdagan naman ng tatlo ang mga Filipino-abroad na binawian ng buhay dahil sa virus dahilan upang umakyat na sa 1,126 ang death toll.
Siyam naman ang naitalang new recoveries, dahilan upang pumalo na sa 11,190 ang bilang ng mga gumaling na mga pilipino sa ibayong dagat.