Tuloy-tuloy ang ginawang Katok Cash Card ng DSWD o Department of Social Welfare and Development sa tahanan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ayon kay Joel Cam ng Regional Program Coordinator ng 4P’s ng DSWD, layon nito na maiwasan ang di umano’y ginagawang pagsasanla ng mga benepisyaryo sa kanilang cash cards.
Sa animnapu’t isang (61) kabahayan na kinatok ng DSWD sa pilot areas na Caloocan at Valenzuela, labing limang (15) benepisyaryo ang napatunayan nilang nagsanla ng kanilang cash card.
Ilan umano sa idinadahilan ng mga beneficiaries ay para magkaruon ng pondong pang negosyo.
Bahagi ng pahayag ni Joel Cam ng DSWD
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas (Interview)