Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 15 pasahero at apat na crew na lulan ng nasirang motorbanca sa Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon sa PRC, pumalya ang makina ng motorbanca habang papunta ng Puerto Princesa City mula Cagayancillo.
Agad namang ipinadala ang BRP Kalanggaman upang sagipin ang mga pasahero at crew at hinatak ang nabalahaw na motorbanca.
Agad ding binigyan ng medical at transportation assistance ang mga nasagip nang makarating sa Rasa Island sa Narra, Palawan. —sa panulat ni Hannah Oledan