Labinlimang (15) pasahero ng Philippine Air Lines ang sugatan matapos makaranas ng mid-air turbulence.
Ang PAL flight PR-101 na may sakay na 132 pasahero ay umalis sa Honolulu, Hawaii Airport pasado alas-12:00 ng tanghali kahapon patungong Maynila at nasa bahagi na ng Japan nang makaranas ng turbulence.
Agad na dinala ng Manila International Airport Authority (MIAA) Medical Team sa clinic ng PAL ang mga nasugatang pasahero.
Ayon kay retired Major General Vicente Guerzon, Senior Assistant General Manager ng MIAA, puspusan ang kanilang koordinasyon sa PAL medical units na umaasiste sa mga pasaherong nagtamo ng laceration nang tumama ang kanilang ulo sa overhead bin ng eroplano.
Ito na ang ikalawang insidente kung saan nagkaroon ng mid-air turbulence sa nakalipas na dalawang linggo.
By Meann Tanbio