Patay ang 15 habang sugatan naman ang 40 indibidwal sa banggaan ng bus at truck sa Central India.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, sakay ng isang bus ang 60 pasahero habang binabaybay ang Rewa Madhya Pradesh District ng nasabing bansa nang bumangga ito sa nakahintong truck.
Ayon sa mga otoridad, mga manggagawa ang karamihan sa mga pasahero na papauwi na sana sa kanilang mga tirahan nang mangyari ang aksidente.
Nagpaabot na ng pakikiramay ang presidente ng India na si Droupadi Murmu maging ang Prime Minister na si Narendra Modi sa pamilya ng mga nasawing biktima.
Sa ngayon, nagpapagaling pa sa ospital iba pang mga sugatan habang iniimbestigahan na ang dahilan ng aksidente.