15 katao ang nasawi habang 40 ang sugatan matapos ang pag-atake ng mga suspek sa Shia Religous Shrine sa iran.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, pinasok ng 3 armadong suspek ang simbahan lungsod ng Shiraz at walang tigil na namaril.
Naaresto naman ng mga ito ang 2 suspek kung saan inaalam pa ang motibo ng mga ito sa pagpaslang.
Samantala, pinaghihinalaang mga miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) group ang naturang mga suspek.