Patay ang 15 indibidwal matapos ang mahigit 20 oras na siege o pag-atake ng mga armadong kalalakihan sa isang sikat na hotel at restaurant sa Mogadishu, Somalia.
Ayon sa mga otoridad, kabilang sa mga nasawi ang mga sibilyan kasama ang anim na armadong lalaki na umatake at planong kub-kubin ang naturang lugar.
Napag-alaman na ang nasabing hotel ay kilalang “hang out spot” o tambayan ng mga senior government officials, mga ministro at mga negosyante.
Sa ngayon, kinundena na ng international community ang insidente habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad.