Aabot sa 15 pasahero ang sugatan, matapos mahulog ang sinasakyang truck sa bangin, na halos sampung metro ang lalim sa Tabuk, Kalinga Province.
Ayon kay Provincial Director Police Colonel Davy Vicente Limmong, nawalan ng preno ang truck na minamaneho ni Noriel Aragon habang pababa sa pakurbang bahagi ng kalsada sa Barangay Nambaran kaya dumiretso ito sa bangin.
Ani Limmong, lulan ng truck ang 15 indibidwal kabilang ang pitong menor de edad.
Nagtamo ng head-injury si Melnard Bawagan, 30 anyos, habang galos at sugat naman ang tinamo ng iba pang pasahero at driver ng truck.—sa panulat ni Joana Luna