Labinlima na ang patay sa nagpapatuloy na bakbakan ng mga sundalo at pro-Russian rebels sa Ukraine.
Kabilang sa pinaka-bagong casualty ang dalawang sibilyan nang magpakawala ng mga mortar shell at projectile ang mga separatista sa bayan ng Donetsk.
Inakusahan naman ng Ukraine ang Russia na nasa likod ng panibagong opensiba.
Dahil dito, muling nagsisihan ang dalawang bansa sa emergency UN Security Council Session sa lumalawak na kaguluhan.
Taong 2014 nang sakupin ng Russia ang Crimea na bahagi ng Ukraine na naging mitsa ng paglawak ng gulo na ikinasawi na ng halos 10,000 katao.
By Drew Nacino