Pumalo na sa 15 indibidwal ang nasawi habang 40 ang sugatan sa pagsabog ng fuel tanker, malapit sa ospital sa siyudad ng Johannesburg, South Africa.
Ayon sa mga otoridad, naipit sa ilalim ng mababang tulay ang tanker sa lungsod ng Boksburg, na 100 metro mula sa Tambo Memorial Hospital.
Sinubukan ng mga bumbero na apulahin ang apoy kung saan nagkaroon na isa pang malaking pagsabog na sumira sa isang makina at dalawang sasakyang de motor.
Inilikas naman ang mga pasyente mula sa ospital matapos gumuho ang bahagi ng bubong kasunod ng pagsabog. –sa panulat ni Jenn Patrolla