Patay sa pamamaril ang 15 indibidwal sa naganap na kilos protesta sa Sudan, North Africa.
Base sa nakuhang report, binaril umano ng mga security forces ang mga nagsasagawa ng kilos protesta laban sa kudeta kung saan, dose-dosenang iba pa ang nasugatan.
Bukod pa dito, nagpaputok din ng tear gas ang mga militar sa mga nagpoprotesta pero agad itong itinanggi ng mga militar.
Nabatid na isinusulong ng mga nagprotesta ang salitang “walang negosasyon, walang partnership at wala ding kompromiso” matapos putulin umano ang linya ng kanilang telepono maging ang kanilang internet service.
Patuloy pang inaalam ang kabuoang bilang ng mga nasawi at nasugatan sa lugar. —sa panulat ni Angelica Doctolero