Lalabing lima (15) ang patay kabilang ang isang pari makaraang salakayin ng mga hindi pa nakilalang armado ang isang simbahan sa bangui na bahagi ng Central Africa.
Ayon sa salaysay ng mga nakasaksi, pinaulanan ng bala at hinagisan pa ng granada ang simbahan ng Notre Dame de Fatima sa nasabing lugar habang nagsasagawa ng misa roon.
Dahil dito, napilitang gumawa ng butas ang mga pulis sa pader ng simbahan upang masagip ang mga nagsisimba sa loob nito.
Matatagpuan ang nasabing simbahan sa border ng Bangui na dinodominahan ng mahigit limang libong (5,000) Muslim kung saan, napatay din ang may 21 indibiduwal nang magsagawa ng joint mission ang United Nations peacekeepers sa naturang lugar.
—-