Nakalaya na ang 15 Persons Deprived of Liberty (PDL) sa New Bilibid Prison (NBP) noong January 19.
Ayon kay Bureau of Corrections (BUCOR) Director General Gerald Bantag, pinabilis nito ang pagpapalaya ng mga kwalipikadong PDL upang lumuwag ang mga kulungan hindi lamang sa nbp kundi maging sa lahat ng anim na pasilidad ng bilangguan sa bansa.
Sinabi rin ni acting NBP Superintendent Correction Chief Inspector (CCINSP.) Reynaldo Pablo, bakunado na kontra COVID-19 at sumailalim sa rapid antigen test ang mga nasabing indibidwal.
Samantala, mahigit 4,610 ang mga PDL na pinalaya ng nasabing kawanihan noong 2021. —sa panulat ni Airiam Sancho