Arestado ang labing limang Pilipino sa Malaysia, dahil sa pekeng Malaysian Identification Card o MyKad.
Batay sa report, nahuli ang labing isa sa ginagawang operasyon ng National Registration Department sa Kampung Balok, habang ang apat na iba pa ay nahuli sa akto ng paggawa ng pekeng ID.
Ang mga naaresto ay nasa pagitan ng 23 hanggang 55 taong gulang at mahigit apat na taon na umanong ilegal na naninirahan sa Malaysia.
Ang mga pekeng MyKad ay nabibili sa halagang 200 hanggang 1,900 Malaysian Ringgit.
By Katrina Valle