Suportado ng labing limang (15) senador ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang suspensyon ng writ of habeas corpus sa Mindanao.
Sa isinumiteng Senate Resolution 388, nakasaad na walang nakikitang dahilan ang labing limang (15) senador para i-revoke o bawiin ang ipinatupad na Batas Militar ng Pangulo.
Batay din dito, ang tangka ng Maute Group na mahiwalay ang Mindanao sa pamahalaan ng Pilipinas at mapagkaitan ang Pangulo ng kapangyarihan na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa Mindanao ay isang uri ng rebellion.
Kaugnay nito, ang deklarasyon ng Martial Law ng Pangulong Duterte ay naaayon sa konstitusyon at kanilang sinusuportahan.
Ang inihaing resolusyon ay pinirmahan nina Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Vicente Sotto III, at sina Senador Sonny Angara, Nancy Binay, JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Gringo Honasan, Panfilo Lacson, Loren Legarda, Manny Pacquiao, Joel Villanueva, Cynthia Villar, and Miguel Zubiri.
Samantala, tanging dalawang (2) senador lamang na miyembro ng Majority Bloc na sina Senator Chiz Escudero at Grace Poe ang hindi lumagda sa naturang resolusyon.
ByKrista de Dios | with report from Cely Bueno (Patrol 19)
15 senador suportado ang Martial Law sa Mindanao was last modified: May 30th, 2017 by DWIZ 882