Naka-isolate na rin si Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez dahil sa posibleng exposure sa COVID-19 matapos mag-positibo ang 15 niyang staff.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, humingi ng paumanhin si Galvez, na namumuno sa National Task Force against COVID-19, sa hindi nito pagdalo nang personal sa pulong.
Sa kabila nito, nagpapatuloy ang trabaho ng kalihim bilang NTF Chief Implementer at Over-all in Charge ng National Vaccination Program.
Si Galvez na ang ikatlong miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte na na-expose sa COVID-19.
Una nang inihayag nina Health Secretary Francisco Duque III at Defense Secretary Delfin Lorenzana na kapwa sila naka-quarantine dahil sa exposure sa mga COVID patient.