Hindi bababa sa 15 Ukrainian ang nasawi matapos ang panibagong pag-atake ng Russia.
Tatlong gusali ang napinsala sa isang bayan sa eastern Ukraine dahil sa rocket attack ng Russia, kung saan mahigit 20 indibidwal ang pinaniniwalaang na-trap, kabilang ang isang 9-taong gulang na bata.
Kaugnay nito, inakusahan ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na pawang mga sibilyan ang target ng mga Russian.
Matatandaang noong Pebrero a- 24 nang lusubin ng Russia ang Ukraine.