Sinupalpal ng senado ang lumutang na plano ng papasok na administrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte na itaas sa maximum na 15% ang kasalukuyang 12% na Value Added Tax (VAT).
Ayon kay Senator Sonny Angara, bagama’t maaaring pag-aralan ng Kongreso ang nasabing panukala, dapat rin tingnan ng gobyerno na ang 12% VAT ang pinakamataas na sa rehiyon.
Sinabi pa ni Angara na dapat i-review ang listahan ng mga exempted sa VAT coverage at tukuyin kung alin ang mga dapat nang patawan ng buwis.
Kontra ito sa pahayag ni incoming Budget Sec. Benjamin Diokno na titingnan nila ang posibilidad na VAT increase at itataas ito sa maximum na 15%.
Iginiit naman ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na dapat munang resolbahin ng gobyerno ang “underspending” bago magpatupad ng panibagong increase sa buwis.
By Mariboy Ysibido