Natukoy na ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng 150 pasahero ng bumagsak na Germanwings sa French Alps noong Marso.
Ayon kay Marseille City Prosecutor Brice Robin, inabot ng anim na linggo bago matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima sa pamamagitan ng DNA testing mula sa mga gamit na narekober sa crash site.
Dahil dito, maaari nang malagdaan ang mga death certificate gayundin ang burial permits ng mga nakilalang biktima.
Magugunitang patungong Duesseldorf ang Airbus 320 ng Germanwings patungong Barcelona sa Spain nang sadyang pabagsakin ito ng isa sa dalawang piloto ng eroplano na sinasabing nakararanas ng depresyon.
By Jaymark Dagala