Humigit kumulang sa 150 bilanggo ang inaasahang magagawaran ng presidential pardon at mapalaya ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Retired Chief Supt. Rolando Asuncion, Deputy Director for Operations at OIC ng Bureau of Corrections, sinimulan na nilang busisiin ang records ng mga inmates matapos itong ihayag ng Pangulo.
Tiniyak ni Asuncion na tanging ang mga karapat-dapat lamang ang irerekomenda nilang mabigyan ng presidential pardon tulad na lamang ng mga may sakit nang inmates na sumasailalim sa dialysis at iba pang cancer patients.
Una nang sinabi ng Pangulo na bibigyan niya ng pardon ang mga inmates na may edad 80 pataas, yung mga nakulong na ng 40 taon at mga may sakit.
Bahagi ng pahayag ni Retired Chief Supt. Rolando Asuncion
By Len Aguirre | Ratsada Balita