Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tinamaan ng COVID-19 ang 150 sa mga empleyado nito.
Ayon kay DSWD Director at Spokesperson Irene Dumlao, ilan sa mga kawaning nito ay mula sa iba’t ibang tanggapan ng ahensya at maging sa kanilang central office.
Aniya, ang nakakalungkot ay nahawahan ang mga nabanggit na empleyado habang namamahagi ng ayuda sa mga barangay na apektado ng COVID-19.
Maliban dito, nakasalamuha rin ng mga ito ang ilang locally stranded individuals (LSI)’s.
Sa kabila, tiniyak naman ni Dumlao na hindi makakaapekto sa kanilang mga operasyon ang naturang pangyayari.