Umaabot sa 150 hanggang 200 flights ang nade-delay araw-araw sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon sa Manila International Airport Authority o MIAA, ang pagkakaantala ng mga flights ay dapat isisi sa mga airline.
Subalit, giit naman ng mga airline, dapat pagandahin pa ng gobyerno ang aviation infrastructure dahil nagdudulot ito ng airside congestion.
Sinasabing umaabot naman sa P7 Bilyon ang nasasayang na langis kada taon dahil sa delayed flights.
Depensa naman ni Transportation Secretary Jun Abaya, tinutugunan na ng pamahalaan ang naturang problema.
By: Jelbert Perdez