150 sundalo mula sa Joint Task Force National Capital Region (JTF-NCR) ang ide-deploy sa Sampaloc, Maynila para ipatupad ang 48 hour hard lockdown simula bukas ng 8:00 ng gabi.
Ipinabatid ito ni JTF-NCR Commander Brigadier General Alex Luna na tiniyak din ang pag-monitor sa area para mabatid kung paano aniya makakatulong ang mga sundalo sa pagpapatupad ng hard lockdown.
Exempted naman sa naturang lockdown na tatagal hanggang 8:00 ng gabi ng Sabado ang frontliners, mayroong emergency health concerns, uniformed personnel, government workers, service workers, barangay officials at government accredited media members.
Isinailalim ang Sampaloc area sa lockdown dahil sa mataas na bilang ng kumpirmadong COVID-19 positive rito.