Aabot sa 150 permanenteng pabahay ang ipinagkaloob ng Japanese Goverment para sa mga residente ng Barangay Makilala sa Marawi City.
Ito’y bilang bahagi ng tulong ng Japan sa mga naapektuhan ng sumiklab na kaguluhan noon sa Marawi City.
Pinangunahan ni Ambassador Koshi-Kawa Kazu-Hiko ang virtual turnover ceremony at iba pang opisyal ng gobyerno kabilang na ang Task Force Bangon Marawi at si Department of Human Settlements and Development Chairman Secretary Eduardo Del Rosario.
Ang naganap na turnover ay ikatlong bahagi ng Collaboration Project sa pagitan ng Japanese Government at UN Habitat Philippines.