Tinatayang nasa 150 tonelada ng tilapia ang namatay matapos tamaan ng fish kill sa Taal Lake.
Apektado ng fishkill ang Barangay Gulod at Buso-buso sa Laurel, Batangas.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), parehong natural at man-made ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda sa fish cages sa paligid ng Taal.
Ayon kay Batangas Enviroment Officer Elmer Bascos, madalas na nangyayari ito tuwing buwan ng Mayo kung saan bumabagsak ang oxygen level sa tubig dahil sa papalit-palit na panahon.
Malaking bahagi din aniya ang overstocking at overfeeding sa mga isda kaya nangamatay ang mga ito.