Nagpakalat na ng nasa 1,500 mga traffic personnel ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula kahapon, Linggo ng Palaspas.
Ito ay upang magbigay ng tulong sa mga bumibiyahe ngayong Semana Santa.
Ayon kay EDSA Traffic Czar Bong Nebrija, itinalaga ang mga nasabing personnel para magmando ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Inatasan din aniya ang mga ito na tumulong sa mga awtoridad sa pagtitiyak ng seguridad sa mga simbahan at pilgrim sites.
Sinabi naman ni Nebrija na ipinatutupad ngayon sa ahensya ang no day off, no leave policy.
—-