Natukoy na ng pamahalaan ang 1,500 na mga barangay sa buong bansa ang itinuturing na ‘center of gravity’ ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang naturang mga barangay sa bansa ang siyang bubuhusan ng suplay ng bakuna kontra COVID-19 o magiging prayoridad pagdating sa vaccine deployment.
Bukod pa rito, ipinangako rin ni Galvez na bibigyan din ng pamahalaan ng mga suplay ng bakuna ang iba pang mga lugar na nangangailangan nito.
Mababatid na ngayong buwan ay inaasahan ang pagdating sa bansa ng mga Pfizer vaccines, isang milyong doses ng Snovac at 100K doses ng sputnik v vaccines