Tinatayang 1500 pulis ang idineploy ng Philippine National Police sa Zamboanga City upang tiyakin ang mapayapang pagdiriwang ng 2016 Zamboanga Hermosa Festival, na nagsimula kahapon.
Ipinakalat ni Zamboanga City Police Director, Senior Supt Luisito Magnaye ang mga pulis sa iba’t ibang bahagi ng lungsod partikular sa mga venue na pagdarausan ng mga aktibidad.
Tiniyak ni Magnaye na normal pa rin at hindi maisasantabi ang normal police functions tulad ng paglalagay ng checkpoints at pagpa-patrol sa kabila ng kanilang pagtutok sa kapistahan.
Kabilang sa mga inilitag na aktibidad ng local government ang parada ng lechon, grand midnight sale at ang pasasalamat sa patron ng lungsod na Nuestra Señora Del Pilar sa October 12 na highlight ng selebrasyon.
By: Drew Nacino