Inaasahang magbabalik bansa ngayong buwan ang nasa 15,000 mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Ayon kay Labor and Secretary Silvestre Bello III, hanggang sa matapos aniya ang buwan ng Hunyo, inaasahan na uuwi pa ang libo-libong mga OFW’s.
Dagdag pa ni Bello, dapat lamang hintayin ng mga OFW’s ang mga schedule ng repatriation dahil hindi naman aniya pwedeng biglain at pag-uwi ng mga ito.
Magugunitang nitong pagpasok ng COVID-19 crisis, nasa higit 54,000 mga OFW’s na ang umuwi ng bansa.
Samantala, batay sa datos, pumalo ng higit 1,000 hanggang 2,000 mga OFW’s ang nagbabalik bansa kada-araw.