Aabot sa 152 establishments sa Boracay ang idineklarang cleared to operate ng Department of Environment and Natural Resources matapos makapagcomply sa mga environmental regulations.
Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, agad nilang binawi ang suspensyon ng Environment Compliance Certificate o ECC ng 152 na mga establisyemento dahil sa pagtalima ng mga ito sa kanilang mga inilatag na panuntunan sa isla.
82 aniya sa naturang bilang ay pawang mga hotel.
Dagdag ni Leones, maari nang makapag-operate sa dry run ng Boracay opening ang mga nasabing commercial establishments sa October 15.