Sumirit ang presyo ng ilang noche buena product isang buwan bago ang Pasko.
Sa inilabas na noche buena price guide ng Department of Trade and Industry, hanggang ₱25 ang itinaas sa presyo ng ham, habang nasa ₱49 naman sa keso, at ₱33 sa keso de bola.
Umabot din sa ₱13.20 ang presyo ng elbow macaroni at salad macaroni, habang umakyat hanggang ₱30 ang presyo ng mayonnaise.
Nagmahal din hanggang ₱20 ang presyo ng sandwich spread, habang tumaas naman ang presyo ng pasta hanggang ₱11.55.
Nagkaroon din ng paggalaw sa presyo ng spaghetti sauce sa ₱10.5, umakyat naman ang presyo ng tomato sauce sa ₱6.25, all purpose cream sa ₱6, at umabot sa ₱5.86 ang itinaas sa presyo ng fruit cocktail.
Mas mahal na presyo ng raw materials at gastos sa transportasyon ang nakikitang dahilan ng pag-akyat ng presyo ng mga noche buena product. - sa panulat ni Charles Laureta