Nakapagtala ang ng Pilipinas ng all-time high na 15,310 na mga bagong kaso ng COVID-19, kungsaan 3,000 dito ang late cases.
Dahilan upang sumirit na sa 771,497 ang kabuuang bilang ng virus cases sa bansa.
Pitong mga laboratoryo naman ang nabigong magsumite ng data sa itinakdang oras.
Ayon sa Department of Health (DOH), kabilang sa mga bagong kaso na ito ang 3,709 na backlog cases na hindi naiulat noong March 31 dahil sa isyu ng COVIDkaya system.
Pero ayon sa DOH, naresolba na ang lahat ng system issues na nangyari at may mga hakbang na umano silang ipinatupad upang hindi na ito muling maulit.
Dahil sa new infections, umakyat na ngayon sa 153,809 ang active cases sa bansa, na syang pinakamataas na naitala sa loob ng kasalukuyang taon.
Base sa datus ng DOH, 96.3% dito ang mild, 2.4% ang asymptomatic, 0.5% ang severe, at 0.5% ang nasa kritikal na kondisyon.