Pumalo na sa 156 katao ang nasawi sa leptospirosis sa bansa, simula noong Enero ngayong taon.
Ayon kay Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, nasa 1, 178 leptospirosis cases na ang naitala, kabilang ang 165 cases mula June 26 hanggang July 23.
Nanguna sa mga rehiyong nakapagtala ng pinakamaraming kaso ang NCR, Cagayan Valley at Central Luzon.
Ang leptospirosis ay isang nakamamatay na bacteria na nanggagaling sa ihi ng hayop, tulad ng daga at maaaring maipasa sa tao.
Maka-ilang beses nang nagbabala ang DOH sa publiko sa paglusong sa baha, lalo ngayong tag-ulan.