Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng kaso ng dengue sa lahat ng probinsya sa Central Visayas.
Sa datos ng DOH, nasa 15,636 kaso ang naitala sa Central Visayas mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.
Mas mataas ito ng 2,000 kumpara noong Setyembre.
Nabatid na nangunguna ang Cebu sa bilang na may higit 8,000 kaso ng naturang sakit.
Pumalo na rin sa 95 ang naitalang bilang ng nasawi sa buong rehiyon.
Samantala, sa ngayon hindi pa nagdedeklara ang Local Government Unit sa rehiyon ng outbreak dahil kontrolado pa umano ang mga kaso. —sa panulat ni Jenn Patrolla