Nawalan ng tirahan ang mahigit 157 pamilya dahil sa sunog sa Pasay City dakong 8:43 kagabi.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa Aurora Boulevard sa Ramos Street sa Barangay 156 at itinaas sa pangalawang alarma.
Ayon sa Barangay Captain Eduardo Pingol, aabot sa 40 na bahay na gawa sa light materials ang natupok ng apoy.
Nasa evacuation center na ang mga apektadong residente.
Siyam na fire trucks at dalawang ambulansya ang rumesponde sa sunog, bandang 9:52 ng gabi nang maapula ang apoy.
Inaalam pa ang dahilan ng sunog. - sa panunulat ni Maze Aliño – Dayundayon