Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagdiriwang ng ika-157 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.
Ang nasabing aktibidad ay idinaos sa bagong renovate na Kartilya ng Katipunan.
Nag-alay ng bulaklak si Mayor Isko Moreno sa Kartilya ng Katipunan kung saan idinaos din ang isang programa.
Sa bahagi ng Divisoria, inalayan din ng bulaklak ang rebulto ni Bonifacio na itinuturing na Ama ng Himagsikan matapos pamunuan ang Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) na nanguna sa pag-aaklas laban sa mga Español.
TINGNAN: Manila Mayor @IskoMoreno, pinangunahan ang aktibidad sa Kartilya ng Katipunan bilang paggunita ng ika-157 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/8kwXhlRAHt
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 30, 2020