Kabuuang 159 na health workers ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center ang nag positibo sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Lourdes Otayza, opisyal ng ospital, ang mga ito ay pawang asymptomatic o mayroon lamang mild symptoms.
Nagpasalamat naman si Otayza dahil bakunado na ang kanilang mga health workers kaya maaari aniyang mild o asymptomatic ang mga ito.
Para naman umano tugunan ang kakulangan sa tao sa ospital, gumamit muna aniya sila ng telemedicine para sa kanilang tatlong departamento.