Kasalukuyang nasa China ang high-level delegation mula Pilipinas upang selyuhan ang 15 billion dollar economic investment na napagkasunduan nang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing, noong Oktubre.
Pinangunahan ang delegasyon nina Secretaries Carlos Dominguez ng Department of Finance kasama sina Benjamin Diokno ng Budget and Management; Arthur Tugade ng Transportation;
Mark Villar ng Public Works and Highways at Director General Ernesto Pernia ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Makikipag-pulong ang delgasyon kina Chinese Vice Premier Wang Yang, Commerce Minister Gao Hucheng at National Development and Reform Commission Chairman Xu Shaoshi.
Kabilang sa mga tatalakayin ang mga government-to-government projects sa pagitan ng dalawang bansa; Asian Infrastructure Investment Bank at infrastructure projects tulad ng Philippine National Railways South Commuter Line, Mindanao Railway at Subic-Clark Railway.
By Drew Nacino