Labing lima (15,000) hanggang 20,000 doses ng COVID-19 vaccine ang makukuha ng mga lalawigan sa labas ng Metro Manila.
Ipinabatid ito ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. kapag dumating na sa bansa ang mas maraming supply ng bakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Galvez na 5.5 million doses ng sinovac vaccine ang ipapadala pa sa bansa ng china sa susunod na buwan.
Nilinaw ni Galvez na target ng vaccine manufacturer na matapos ang 20.5 million doses na nakatakdang i-deliver sa buwan ng Setyembre sa halip na sa Nobyembre.
Sa ngayon aniya ay mahigit 14 million doses na ng bakuna ang napapasakamay ng bansa kung saan mahigit 9 milyon ay dumating nitong Hunyo.
Kasabay nito ipinagmalaki ni Galvez ang sinelyuhang 40 million doses ng COVID-19 vaccine ng Pfizer kung saan uubra na ring maiturok sa mga may edad 12pataas.