Target ng Pilipinas na makapag-recruit ng 15,000 indibidwal upang lumahok sa solidarity trial ng World Health Organization (WHO) para sa COVID-19 vaccines.
Ayon kay Department of Science and Technology’s Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya, isasagawa ang clinical trials dahil hindi pa nabubuo ang ”ideal vaccine”.
Paliwanag ni Montoya, bagama’t epektibo ang mga bakuna ay mayroon itong mga ilang kondisyon o requirement gaya na lamang ng Pfizer vaccine kung saan kailangang ilagay ito sa negative 70 degrees, na mahirap umanong i-maintain.
Sinabi pa nito na naghahanap pa rin sila ng mga bakuna na mas angkop sa mga senior citizens, menor de edad, mga indibidwal na may comorbidities.