Mahigit 15,000 security personnel ang ipapakalat para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Hulyo 25.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), binubuo ito ng mga police personnel, sundalo, at force multipliers mula sa mga ahensya ng gobyerno.
Sinabi ni PNP Director for Operations Police Major General Valeriano De Leon na nagprisinta na ng security plan si National Capital Region Police Office Chief Police Major General Felipe Natividad kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos noon pang nakaraang linggo.
Isang task force rin ang bubuuin para sa seguridad ng SONA ni Marcos.
Ayon pa kay De Leon, pahihintulutan lamang ang mga welga sa mga freedom parks at paiiralin pulisya ang ‘maximum tolerance’ sa mga raliyista.