Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa malaking kontribusyon ng mga health researchers para labanan ang COVID-19 pandemic sa bansa.
Ginawa ni Marcos ang pahayag sa kanyang pagdalo sa 15th Philippine National Health Research System (PNHRS) week na idinaos sa Clark, Pampanga.
Sinabi ng pangulo na maituturing na frontliners ang mga health researchers kahit wala sa mga ospital ang mga ito.
Ito’y dahil sa kanilang mga kaalaman at datos mula sa kanilang pananaliksik upang malabanan ang naturang sakit.
Dagdag pa ng punong ehekutibo, malaking bagay ang mga ginagawa ng mga health researchers para makamit kung anuman ang mga napagtagumpayan ng bansa pati na ng buong mundo.
Tiniyak naman ng Pangulong Marcos na patuloy umanong nakasuporta ang kanyang administrasyon sa health research community. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)