Idineklara na ng militar na insurgency-free ang 16 na bayan sa hilagang bahagi ng Leyte.
Kabilang sa mga idineklarang “stable internal peace and security areas” ang mga bayan ng Matag-ob, Merida, Palompon, Tabango, Barugo, Babatngon, San Miguel, Leyte, Pastrana, Tolosa, Dagami, Calubian, Sta. Fe, Alangalang, at Tunga.
Ang mga nabanggit ay pawang mino-monitor ng 19th Infantry Battalion ng Philippine Army dahil sa presensya ng mga rebelde.
Ayon kay 19th Infantry Battalion Civil Military Operation Officer Lt. Bryan Albano, wala nang banta mula sa communist terrorist movement sa mga residente roon kaya’t insurgency free na ang mga naturang lugar.
By Meann Tanbio