Tinatayang 16,000 delegado mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang inaasahang dadalo 51st International Eucharistic Congress (IEC) na gaganapin sa Cebu City sa Enero 24 hanggang 31.
Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, nasa 1 milyong katao rin na kabilang ang mga lokal at dayuhang turista ang inaasahang dadalo sa nabanggit na aktibidad.
Hinimok naman ni Palma ang mga Katoliko sa iba’t ibang panig ng mundo na makibahagi sa 8 araw na Eucharistic Congress bilang isang simbahan sa pagbibigay-papuri sa Panginoon.
Ang Eucharistic Congress ay isang international event o pagpupulong ng mga alagad ng simbahan upang mabigyan ng kaalaman ang hinggil sa tunay na presensya ni Hesus sa banal na eukaristiya na mahalaga sa doktrina ng Iglesia Katolika Romano.