Isinusulong ngayon ng ilang grupo ng mga manggagawa ang panukalang gawing P16,000 ang minimum wage sa mga obrero sa pribadong sector.
Inihayag ito ng grupong Confederation for Unity, Recognition and Advancement for Government Employees o COURAGE kasabay ng pagtalakay ng senado sa panukalang Salary Standardization Law o SSL para sa mga government employees.
Ayon kay Ferdinand Gaite, pangulo ng COURAGE, hindi naman aniya saklaw sa nasabing panukala ang mga manggagawa sa pribadong sektor.
Kailangan aniyang maramdaman ng lahat ng mga manggagawa mapa pribado man o pampubliko ang umuunlad na ekonomiya na ipinagmamalaki ng administrasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng tama at makatuwirang pasahod sa mga manggagawa.
By Jaymark Dagala