Umakyat na sa 16 ang naitalang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Quinta.
Batay ito sa pinakahuling ulat ng NDRRMC kung saan nakapagtala rin ng 22 sugatan at apat na nawawala.
Ayon sa NDRRMC, kabilang sa nasawi ang dalawang babae mula sa CALABARZON na nabagsakan ng puno, pito sa MIMAROPA kung saan apat ang nalunod at tatlo ang nabagsakan ng nabuwal na mga puno.
Limang lalaki ang namatay sa Bicol dahil sa pananalasa ng bagyong Quinta habang dalawa naman ang nalunod sa region 7.
Samantala, pumalo naman sa mahigit 57,000 pamilya o katumbas ng 242,000 indibiduwal ang naapektuhan ng bagyo mula sa Region 3, 6, 8, CALABARZON at MIMAROPA.