Patay ang 16 na katao matapos ang biglaang pag-ulan na nagresulta ng pagbaha sa Kashmir, India.
Sa gitna ito ng pagdiriwang ng taunang Hindu Pilgrimage to the Cave Shrine of Amarnath.
Ayon sa Tagapagsalita ng Indian Defense Ministry, nagsanib-pwersa na ang Army at Civilian reporters para mahanap ang mga nawawalang mamamayan.
Sinuspinde na rin pansamantala ng mga otoridad ang pilgrimage para sa kaligtasan ng lahat.
Sa pagdiriwang ng pilgrimage, libo-libong Hindu ang nagtitipon para tumawid sa mga waterlogged trails upang marating ang stalagmite na ikinokonsiderang banal na lugar para sa Diyos na si Shiva.