Labing anim (16) ang patay habang 20 ang sugatan sa pagbangga ng isang bus sa Sao Paolo, Brazil.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinaniniwalaang sobrang bilis ang pagpapatakbo sa bus ng drayber nito dahilan upang maaksidente ito sa kurbadang bahagi ng highway.
Hindi rin inaalis ng mga awtoridad ang posibilidad na nakatulog habang nagmamaneho ang tsuper.
Labing lima (15) katao kabilang ang drayber ng bus ang dead on the spot habang ang isa ay sa ospital na binawian ng buhay.
Lumilitaw na karamihan sa mga sakay na pasahero ng naaksidenteng bus ay mga estudyante.
By Ralph Obina