16 na katao ang patay matapos ang nangyaring pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa walang tigil na ulan sa Sri Lanka.
Ayon sa Disaster Management, nasa mahigit 5,000 residente ang lumikas at sumilong sa tahanan ng kanilang mga kamag-anak at ang iba naman sa mga evacuation center.
Karamihan sa mga namatay dito ay nalunod at ang iba naman ay tinamaan ng kidlat kung saan isa pa dito ang naiulat na nawawala.
Ipinabatid ng mga opisyal na ang buwan ng Oktubre at Nobyembre ang karaniwang buwan kung saan tumatama ang mga bagyo lalo na sa bansang Sri Lanka.