Patay ang hindi bababa sa labing anim (16) katao matapos tamaan ng malakas na kidlat ang isang simbahan sa Rwanda.
Batay sa ulat, nasa kalagitnaan umano ng pagsisimba ang mga biktima sa Seventh Day Adventist Church sa bayan ng Gihemvu sa bulubunduking bahagi ng southern district ng Nyaruguru nang biglang tumama ang isang napakalakas na kidlat sa compound nito.
Agad na binawian ng buhay ang labing apat (14) katao habang dalawa naman ang nasawi na sa ospital.
Isinugod din sa pagamutan ang isandaan at apatnapu (140) pang kataong sugatan sanhi ng pagtama ng kidlat.
—-